natapos na ang kwento.
sarado na ang libro.
pero bakit pilit sinisilip ang mga pahina ng nakaraan?

umalis na ang mga tao.
sarado na ang pinto.
pero bakit pilit pumapasok, wala namang babalikan?

mahirap itigil ang bagay na nakasanayan na.
mahirap umalis sa mundong kayo mismo ang gumawa.
katulad nga ng sabi sa kanta, "may dulo pala ang langit".

sana sinabi mo.
para nakapaghanda ako.


No comments:

Post a Comment