pagpapaalam

medyo matagal na kitang kasama.. tatlong taon na nga ata, kung tama an aking pagkakaalala. sa tuwing uuwi ako, ikaw ang una kong hinahanap. komportable kasi ako sayo. sa tuwing kasama kita, alam kong wala akong dapat isipin, walag dapat ipag-alala.

nakakalungkot na habang tumatagal, hindi ko napapansin ang importansiya mo sa buhay ko. habang tumatagal, nasasanay na ako na lagi kang nariyan. habang tumatagal, nagkakaroon ka na rin ng kapalit sa buhay ko.

pero, isang araw, nakita nalang kitang nakakalat sa bahay namin -- nasa isang sulok at marungis. puro kagat at parang di na mapapakinabangan. hindi ka na magandang tignan. hindi na kita magamit ng maayos. pilitin ko man, ay ramdam ko pa rin na iba na ang pakiramdam ko sa piling mo.

ito na ata ang tamang panahon para ikaw ay magpahinga at ako ay magpaalam. maraming salamat sa tatlong taong pakikiramay. salamat sa tatlong taong pagsasama.

salamat aking tsinelas.

No comments:

Post a Comment